Kapag umiiyak ba nawawala talaga ang sakit?
Nagkakaroon ba ng solusyon ang problema?
Nabubura ba ang mga alaala?
Makakalimutan ko bang mahal na mahal kita?
Ano nga ba talaga ang nagagawa ng pagluha?
Kung pampalubag-loob lang, eh di parang wala.