PostsChallengesPortalsBooksAuthors
Posts
Challenges
Portals
Books
Authors
Sign Up
Search
About
Profile avatar image for PlumaAtDugo
PlumaAtDugo in Poetry & Free Verse
• 103 reads

Nakita ko siya ngayon

Nakita ko siya ngayon

Mukhang elegante sa kaniyang tatlong pulgada na takong

Ang kaniyang buhok magulo na

Pero di niya ito pansin dahil sa batang nasa bisig niya

Tatlong taon na ang makalipas

Noong huling beses na nasilayan ang kanyang ngiti

Tatlong taon ang makalipas ng makita sa mata nya ang pagtunaw ng mga niyebe na bumalot sa puso niya. 

Nakita ko siya ngayon

Alam nakita niya din ako

Siya ay tila walang paki alam

Malas niya alam ko ang totoo

Nag bago siya sabi ng lahat

Papaanong hindi matapos ang lahat?

Hindi na siya kasing saya noon sabi nila

Alam ko.  Matapos lahat ng nangyari ay naganap. 

Nakita ko siya ngayon at sinubukan siyang lapitan

Takot at sindak ay halata sa kaniya

Kinuha ng bata ang kanyang atensyon

Umiyak ito.  Siya ay tumakbo palayo na tila may misyon. 

Nakita ko siya ngayon

Ibinibigay ang bata sa iba

Lumapit siya sa akin na walang pinakita na anumang emosyon

Ito ang magdadala sa atin sa konklusyon. 

Tatlong taon ang lumipas mula ng huli ko siyang makita mula ngayon

Naging siya ang taong away niyang maging.

Ang babae na may magandang mukha ay napuno ng takot, halakhak at pagka sindak. 

Ay nasa aking harap na tila may maskara na mekanikal. 

1
0
1